Rizal sa BiƱan
Title: Rizal sa BiƱan
By: Laguna Trekk
Form or Media: Digital Photography
Location: BiƱan
Ang pangalang ng bayan ay pinaniniwalaang nagmula sa salitang "binyagan". Natuklasan ng mga Kastila ang BiƱan noong huling bahagi ng Hunyo 1571, isang buwan pagkatapos itatag ni Miguel Lopez de Legazpi ang Maynila ayon sa mga matatandang kasulatan.
Noong 1769, ang kabiserang panlalawigan ay inilipat mula Bay patungong Pagsanjan, ang BiƱan ay inihiwalay sa Bay at naging bahagi ng Santa Rosa. Noong 1771, noong panahon ni Pablo Faustino, ang BiƱan ay inihiwalay mula sa Santa Rosa at naging isang bayan.
Ayon sa kasaysayan, ang BiƱan ay kilala sa buong bansa dahil sa pagkakasali nito sa aklat ng talambuhay ni JosƩ Rizal, ang pambansang bayani. Sinasabi na tumira si Jose Rizal malapit sa mismong bayan noong kabataan pa niya at nakapag-aral sa isang paaralang matatagpuan dito. Ang pangalan ng paaralan na pinasukan ni Jose ay hindi alam. Sa pag-alala kay Jose Rizal, isang plake ng pagkilala ang inilagay kung saan siya nanatili. Isang monumento naman ang itinayo sa gitna ng plaza ng BiƱan, para ipaalala na minsan ay naging bahagi ng bayan ang pambansang bayani.
