Rizal sa Biñan





Title: Rizal sa Biñan

By: Laguna Trekk

Form or Media: Digital Photography

Location: Biñan


Ang pangalang ng bayan ay pinaniniwalaang nagmula sa salitang "binyagan". Natuklasan ng mga Kastila ang Biñan noong huling bahagi ng Hunyo 1571, isang buwan pagkatapos itatag ni Miguel Lopez de Legazpi ang Maynila ayon sa mga matatandang kasulatan.

Noong 1769, ang kabiserang panlalawigan ay inilipat mula Bay patungong Pagsanjan, ang Biñan ay inihiwalay sa Bay at naging bahagi ng Santa Rosa. Noong 1771, noong panahon ni Pablo Faustino, ang Biñan ay inihiwalay mula sa Santa Rosa at naging isang bayan.

Ayon sa kasaysayan, ang Biñan ay kilala sa buong bansa dahil sa pagkakasali nito sa aklat ng talambuhay ni José Rizal, ang pambansang bayani. Sinasabi na tumira si Jose Rizal malapit sa mismong bayan noong kabataan pa niya at nakapag-aral sa isang paaralang matatagpuan dito. Ang pangalan ng paaralan na pinasukan ni Jose ay hindi alam. Sa pag-alala kay Jose Rizal, isang plake ng pagkilala ang inilagay kung saan siya nanatili. Isang monumento naman ang itinayo sa gitna ng plaza ng Biñan, para ipaalala na minsan ay naging bahagi ng bayan ang pambansang bayani.


You Might Also Like

All Time Popular Posts